Friday, April 3, 2009
sunday mass
Isa sa mga naaappreciate ko na andito yung mister ko sa aking tabi yung pag-attend ng Sunday Mass. Kase madalas pag wala sya at ako lang ang magsisimba kinakatamaran ko na (oo, bad nga ako eh). But now that he's here kahit pagod na pagod o puyat na puyat pa kami pag Saturday eh gigising pa rin talaga sya ng maaga at pipilitin din akong tumayo para makapagsimba kami. Syempre at first asar ako sino ba naman ang gusto na naiistorbo ang tulog di ba? Pero pagpasok ko ng simbahan at pagharap ko sa altar ang laki ng ngiti ko kase eto na naman ako nasa Church kahit na once a week lang nakakapagbigay pugay sa Kanya. At laking pasalamat ko din kase yung asawa ko di gaya ng ibang lalake na napakatamad magsimba...na kailangan pa pilitin ng mga asawa nila para lang tumapak sa simbahan..o nagdadahilan pa para lang di makasama sa pagsimba..worse, iimpluwensyahan pa yung asawa na wag na lang magsimba..yung asawa ko di ganun. Sa aming dalawa, sya nga ang determined na magsimba eh. Sabi nga nya once a week na nga lang yan kakatamaran mo pa ba? Oo nga noh, once a week lang naman akong kailangan bumangon ng maaga para magsimba bat naman kakaligtaan ko pa? If I dwell on it, ano ba naman ang isang beses sa isang linggong pag gising ng maaga compared sa lahat ng ginawa Niyang sakripisyo para sa akin? Ano ba naman yun kumpara sa lahat ng mga biyayang natatanggap ko? Ambait talaga ni Lord kase bukod sa lahat ng iba pang magagandang qualities ng asawa ko, yung binigay nya sa aking makakasama sa habang-buhay ay yung magdadala sa akin para mas maging close sa Kanya