It's a little past midnight so it is officially Good Friday already! Don't forget to attend the Station of the Cross!
Yesterday was an eventful day for us. First off, Huwebes Santo na nga ayun at nagsaya pa kami. Magswimming ba naman. At ang mga guys naginom pa what do you expect eh natural na yata yun sa mga lalaki pag nagkita talagang may kasamang inuman. Pero kahit na nagkakasayahan kami alam namin na when night falls we will all go out para sa Visita Iglesia. Ang kaso mo may mga dumating na ibang bisita. Imbes na yung iilang boteng naunang nabili lang ang paghahatian ayun napadami, napabili pa uli sa tindahan. Yung planong Visita Iglesia napush off to a later time kase nagkakahiyaan na magyayaan na. Nakakahiya daw kase sa bisita. Fast forward na.. nakaalis na ang mga bisita kami-kami na lang uling magkakaibigan at syempre nagkakainitan na ng ulo kase nga naman di nasunod yung original plan di ba. Ayun when everyone is settled na nakasakay na sa sasakyan sa wakas mauumpisahan na ang Visita Iglesia eh biglang BAM!!! Nabangga kami! Mahirap talaga na nakainom at magdadrive. Swerte na nga lang namin kase no one was hurt. Lahat kami ok. Nanerbyos ng konti oo pero walang nangyaring anupaman sa amin. Thank you Lord talaga! Mahaba pang story ang kasunod nito..syempre nasabi ko na nga kanina maiinit na ang mga ulo...may mga lasing pa..basta ang ending ayun nakauwi kaming lahat safe and sound pero yun nga lang di natuloy ang Visita Iglesia.
Buti na lang din may walking distance na simbahan from our house kaya niyaya ko na ang asawa ko na magpunta sa simbahan. Di lang dahil sa Visita Iglesia kundi dahil gusto ko din magpasalamat sa kanya dahil niligtas nya kaming lahat.
Next year, wala na munang happy-happy pag holy week. Ilalaan na namin para kay Lord ang holy week.