Pages

Monday, April 27, 2009

KSP ako

Oo inaamin ko, KSP ako. Kulang sa pansin. Kulang sa atensyon mula sa asawa ko. Isang buwan ang bakasyon nya dito sa pinas pero may mga kalaban pa ako. Itatanong mo marahil kung ano? Una na dyan ang TV. Sinusumpa ko talaga ang sports channel! Bat nauso pa yan! Ang sarap ipatanggal ng cable para lang mapansin naman nya ako. Mula pagkagising nakabukas na agad ang TV. At para akong namamalimos sa atensyon nya tuwing nanonood sya. Dahil nabibingi na sya at wala ng ibang iniintindi kundi ang pinapanood nya. Siguro katanggap tanggap pa kung mga 1 o 2 oras lang syang nanonood di ba? Pero hindi eh. Kung wala kami o syang lakad halos buong araw na nakabukas ang TV. At yup, halos buong araw din akong deadma. Pwera na lang kung sisigawan ko sya na o kakain na. Sigaw ha. Kase kung normal na tawag lang yun eh deadma lang ako. Hay. Pero di lang ang sports channel ang kalaban ko. Meron pa. Andyan ang DVD. Action movies. Meron ding internet. Basta. At sa May 3 sigurado yang half day na itsapwera ang beauty ko. Laban ni Pacquiao eh.
Ang iksi na nga ng 1 month vacation andami pang mga kakumpetensya.
At oo inaamin ko KSP ako.

Thursday, April 23, 2009

chillax in Baguio

Initially it was only hubs and I who were supposed to go to Baguio but hubs invited my sister, aunt, and cousin. The more the merrier ika nga.
So we chillaxed in the city of Pines for 3 days and 2 nights. (in the hopes of getting preggers, here we are touching the fertility statue in Tam-Awan)

Tuesday, April 14, 2009

celebrating at manila ocean park

For our 89th monthsary (yup, I know the word doesn't really exist) hubs and I went to Manila Ocean Park. We haven't been there and we want to see the place so we decided to go there for our date. Since hubs works abroad celebrating our monthsary (and even the anniversary) is a luxury that is why when we are together we make a conscious effort to date each other.
(Btw, the monthsary we are celebrating is as bf-gf. The wedding date we celebrate yearly.)

Friday, April 10, 2009

ngayong holy week

It's a little past midnight so it is officially Good Friday already! Don't forget to attend the Station of the Cross!
Yesterday was an eventful day for us. First off, Huwebes Santo na nga ayun at nagsaya pa kami. Magswimming ba naman. At ang mga guys naginom pa what do you expect eh natural na yata yun sa mga lalaki pag nagkita talagang may kasamang inuman. Pero kahit na nagkakasayahan kami alam namin na when night falls we will all go out para sa Visita Iglesia. Ang kaso mo may mga dumating na ibang bisita. Imbes na yung iilang boteng naunang nabili lang ang paghahatian ayun napadami, napabili pa uli sa tindahan. Yung planong Visita Iglesia napush off to a later time kase nagkakahiyaan na magyayaan na. Nakakahiya daw kase sa bisita. Fast forward na.. nakaalis na ang mga bisita kami-kami na lang uling magkakaibigan at syempre nagkakainitan na ng ulo kase nga naman di nasunod yung original plan di ba. Ayun when everyone is settled na nakasakay na sa sasakyan sa wakas mauumpisahan na ang Visita Iglesia eh biglang BAM!!! Nabangga kami! Mahirap talaga na nakainom at magdadrive. Swerte na nga lang namin kase no one was hurt. Lahat kami ok. Nanerbyos ng konti oo pero walang nangyaring anupaman sa amin. Thank you Lord talaga! Mahaba pang story ang kasunod nito..syempre nasabi ko na nga kanina maiinit na ang mga ulo...may mga lasing pa..basta ang ending ayun nakauwi kaming lahat safe and sound pero yun nga lang di natuloy ang Visita Iglesia.
Buti na lang din may walking distance na simbahan from our house kaya niyaya ko na ang asawa ko na magpunta sa simbahan. Di lang dahil sa Visita Iglesia kundi dahil gusto ko din magpasalamat sa kanya dahil niligtas nya kaming lahat.
Next year, wala na munang happy-happy pag holy week. Ilalaan na namin para kay Lord ang holy week.

Saturday, April 4, 2009

date mistake

Hubs and I are disappointed. We've been planning on going on an overnight spa trip to Tagaytay eversince Rosey told us of her son's graduation and birthday celebration. So we planned our trip around the party. We discussed the choices (red ginger farm, sonya's garden and nurture spa) for days. (It really is difficult to choose just one because all three have good reviews.) And just recently decided on going to Nurture Spa only to find out today that the party was today! Wtf! Today! Stupid, stupid me! How could I have missed the date? Naman! So all those careful planning, kaput! Buti na nga lang kamo tinawagan ko si Rosey kanina otherwise baka tumuloy kami sa Batangas yun pala tapos na ang party. Hay palpak!

Friday, April 3, 2009

sunday mass

Isa sa mga naaappreciate ko na andito yung mister ko sa aking tabi yung pag-attend ng Sunday Mass. Kase madalas pag wala sya at ako lang ang magsisimba kinakatamaran ko na (oo, bad nga ako eh). But now that he's here kahit pagod na pagod o puyat na puyat pa kami pag Saturday eh gigising pa rin talaga sya ng maaga at pipilitin din akong tumayo para makapagsimba kami. Syempre at first asar ako sino ba naman ang gusto na naiistorbo ang tulog di ba? Pero pagpasok ko ng simbahan at pagharap ko sa altar ang laki ng ngiti ko kase eto na naman ako nasa Church kahit na once a week lang nakakapagbigay pugay sa Kanya. At laking pasalamat ko din kase yung asawa ko di gaya ng ibang lalake na napakatamad magsimba...na kailangan pa pilitin ng mga asawa nila para lang tumapak sa simbahan..o nagdadahilan pa para lang di makasama sa pagsimba..worse, iimpluwensyahan pa yung asawa na wag na lang magsimba..yung asawa ko di ganun. Sa aming dalawa, sya nga ang determined na magsimba eh. Sabi nga nya once a week na nga lang yan kakatamaran mo pa ba? Oo nga noh, once a week lang naman akong kailangan bumangon ng maaga para magsimba bat naman kakaligtaan ko pa? If I dwell on it, ano ba naman ang isang beses sa isang linggong pag gising ng maaga compared sa lahat ng ginawa Niyang sakripisyo para sa akin? Ano ba naman yun kumpara sa lahat ng mga biyayang natatanggap ko? Ambait talaga ni Lord kase bukod sa lahat ng iba pang magagandang qualities ng asawa ko, yung binigay nya sa aking makakasama sa habang-buhay ay yung magdadala sa akin para mas maging close sa Kanya
Related Posts with Thumbnails