Pages

Tuesday, March 9, 2010

ang mga kaganapan sa Ocean View Beach Resort

Para sa birthday ni Tita Mel we all trooped to Olongapo to celebrate with her. At dahil mainit na go kami sa beach. Ocean View Beach Resort.

Una nga gusto ng mga thunders sa Kali Beach (cali? basta!) reminiscing of the past ang drama. Pero closed na nga ito. Pwede pumasok na parang wanted dahil pupuslit ka lang at ang sasakyan eh maiiwan sa labas ng gate nila. Eh since di naman namin gustong maging fugitives sa birthday ni Tita eh sa Ocean View na nga kami.

Ang mahal ng entrance ha! 180 na! At ang cottage nila na butas butas na ay 800. Simpleng cottage lang ha! Yung small.



O ayan na nga dahil di pa peak season ang daming choices. Aba ilang beses kaming naglipatan ng cottage. Choosy ang mga Samson! Mga ala-una na ito ng hapon ha. Kasagsagan ng sikat ng araw at gutom na gutom na kami! Eh dahil beach nga panay ihaw-ihaw ang baon namin. Ang tagal naman dumating ng ihawang tutong na sa pagkaoveruse na may rental fee pa na 150. Nakakahighblood! At ayan dumating na nga after 48 years. Sige ihaw agad para naman makapaglunch na kami.

Pag ganyang nakapwesto ka na attentive naman ang mga crew. Akala nyo para tumulong? Hindi ah! Para iverify kung nagbayad ba kami. Tiningnan ang headcount at ang resibo ng cottage. (hindi ito OR. malamang hindi sila nagbabayad sa BIR) May comment pa sya na ilang cottage ba nirerentahan nyo? Eh kase nga dahil halos solo naman namin ang beach eh dun sa katabing cottage naupo ang grill queen at king para magihaw. At dun sa kabilang cottage naman nakapatong ang cooler. Wala naman tao! At di naman siguro big deal yun di ba? Di naman kami nagkakalat sa ibang cottage. Hindi na namin masyadong pinatulan ang katarayan ng mamang crew.

Eto na. Para naman lumuwag luwag ang cottage namin (na kung tutuusin ay table and chair with butas na bubong lang naman) napagpasyahan na itayo na ang tent at dun ilagay ang mga bag. So sige go itayo ang tent!



Napansin agad ng aktibong epal na crew. Lapit agad sa amin. Naniningil ng 200. Dahil naglagay daw kami ng tent. WTF!!!!

Syempre diskusyon na ito! Wala naman sa rules and regulations nila yan ah! (may ganun?) Wala namang gagastahing kuryente yang tent na yan. Bat may bayad? Ganun daw talaga. Kanya kanyang ratatat na ito. Aba eh pamilyang war freak kami eh. Ang tahimik na resort ay biglang nagkaingay. Aakalain mong may isang batalyon na nagwewelga. Ako aba eh di syempre hinanap ko ang manager. Sabi ko papuntahin sa amin. Aba di daw lumalabas ng office yun manager. Bawal daw na magpunta sa amin. May ganun? Di ba ang manager dapat always available to the customers? Nakakapagpanting talaga ng tenga. Sabi ko nga sa kanya umalis ka na dito. Ayaw kitang kausapin. Wag ka babalik dito kundi mo kasama ang manager mo. Hala! May ganun? At eto naman ang hirit na Ateng Glo lumalayo-layo ka sa amin at baka ihawan kita! Hala! Brutal! Talagang nagmana kay Gabriella Silang ang mga kababaihan ng aming pamilya. Natakot yata ang epal na crew ayun umalis. (at hindi na bumalik)

May kasabihan nga tayo na igalang ang mga gutom. (May kasabihan nga bang ganun? O gawa-gawa ko lang yun?)

Hindi pa dyan nagtatapos ang aming Ocean View Escapades. Meron pa. Nung kami ay naliligo na natibo si Ateng Glo. Dahil low tide na nito mahaba ang dalampasigan (natural!) Napagpasyahan naming pulutin ang mga basag na bote sa harap ng cottage namin para naman safe kami at wala ng iba pang masugatan sa amin.



Ang picture na yan ay ang mga nakuha naming basag na bote/plato/baso at kung anu-ano pang babasagin. Lahat yan ay sa bandang harap lang ng cottage namin. Nakakaloka di ba? Ang dami! Di pala safe maligo dito sa Ocen View! Di pala naglilinis ang mga staff nila. (malamang dahil busy sila sa pangungulit at pangongolekta mula sa mga turista).

Ang Ocean View Beach Resort ay matatagpuan sa Lower Kalaklan, Olongapo City.


Related Posts with Thumbnails