Pages

Sunday, August 31, 2008

mamaluktot habang maliit ang kumot

Mula nung kinasal kami ng asawa ko di kami magkasundo sa kumot. Maliit kase yung kumot namin. Eh itong lalaking ito nakupo madamot yan sa kumot..Gusto nya balot na balot sya. Matutulog yan minsan ng di nakakumot. Naiinitan daw sya. (ahmmm..alam nyo na siguro kung bakit) Syempre ako naman ang mapagalagang maybahay pag nakatulog na sya kukumutan ko syempre pero mayamaya sinisipa na hanggang mawala na naman. Pero wag ka! Pag ako'y nakatulog na nakupo panigurado lang ang kumot ko unti unting hinihila nyan. Hanggang sa ako naman ang mamaluktot sa ginaw ng ercon. At pag naalimpungatan ako syempre makikisukob ako sa kumot. Aysus! Manigas na ako sa lamig pero makikipagagawan yan. Ang lakas pa naman nya. Gusto nya kanya lang ang kumot. Opo. Ganyan yan. Pero lahat yan nangyayari habang tulog sya ha. Kaya nga napagdesisyunan ko maghiwalay na kami ng kumot. Pero di nasolb ang problema dyan ha. Kase naman kahit na may sarili na syang kumot eh nakikiagaw pa rin ang loko. Dun yata sya masaya.
Konting kwento lang yan. Pasakalye baga para lang masabi ko na bumili ako kanina ng kumporter. Malaki na. At kasabay ng pagbili ko ay ang usal na sana naman pag magkatabi kami wala ng hilaan at agawang kumot na mangyari.
Related Posts with Thumbnails