Pages

Wednesday, January 7, 2009

bora


Hubs and I were talking about his vacation this summer and our plans for it. Hubs wants to go back to Boracay. Which got me thinking about our Bora trip last year ~ I haven't blogged about it! hehe.. pasensya na tamad lang..
We spent 5 days in Bora and feeling ko andami pa naming di napuntahan at nagawa dun. Oo nga! Eh yung famous na bora rock (willy's ba yun?) di nga namin napuntahan. Lagi naman kaming nagiistroll pero ewan ko bat di kami nakarating dun. Malamang siguro kase panay kain at tambay lang ang gusto naming gawin. At etong si hubs nagkasakit pa nung andun kami! Timing nga naman. Ang magaling na lalaki ayun at nagderilyo pa nung gabi! Ninerbyos tuloy ako. Akala ko tuloy maaga akong mabibiyuda! Naku may sinasabi pang kayamanan! Akala ko magmamana na ako ng limpak limpak na salapi! charing! Syempre grow old together ang drama ko noh pero ano ba yan bigla nag appear ang mga dollar signs sa harap ko..hehe.. Eto pa natiming pa na nasira ang chuvaness ng hotel! So habang tuliro ako sa nagdederilyong asawa ko nawalan ng kuryente sa buong floor lang naman namin. Malas talaga! Di na nga makatulog dahil sa asawang maysakit eh napakainit pa! Ilang oras pa bago nagawa.
Hmmm...parang nawalan ng direction itong post ko ah..sige na nga tama na. Next time na uli ang kwentong bora!
Related Posts with Thumbnails